Wednesday, February 6, 2013

Sa Aking Pagtanda / An aging Parent Plea To His Child

Penned by: Fr. Ariel Robles


Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak, matanda na talaga ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…



An Aging Parent’s Plea To His Child
English translation by Edecat Manila
As I grow old,
I seek your Patience and Understanding.
Despite Hard-of-Hearing – notwithstanding,
“Love me”. You’re told.
If I spill Soup or break Plate,
My Eyesight could be dimming.
Look upon me with no hate.
Lest, I get a bad feeling.
If I am slow to stand,
My Knees could be weakening.
Quickly give me your Hand,
For I did teach you – Walking.
If I’m slow to understand,
My Hearing could be failing.
Write down or Motion-by-Hand,
So I could get the meaning.
If I sound like a “Broken Record”,
My Memory could be lapsing.
Please do not laugh at me – nor be bored.
Bear with me – just by listening.
If I feel so alone,
My Spirit yearns for your presence.
Although busy at work,
Find time to be with me at home.
If I become hard-to-please,
My Consciousness favors the familiar.
Be careful and not amiss,
I’m exacting on particulars.
If I emit an unpleasant smell,
I could have the Odor-of-Old.
A daily Bath could make me unwell.
My weak Body could get a Cold.
If I urinate and move my bowel in bed,
Persevere still in loving me.
My Life is ending and farewells would soon be said.
Memories last eternally.
And if my Moment-of-Death is near,
Hold my hand and embrace me dearly.
Your love for me brings “God’s Blessings” here.
You and I are truly family!

No comments:

Post a Comment