Saturday, March 9, 2013

isang araw

masyado akong masaya nitong mga nakaraang araw, na sa sobrang saya ko nakalimutan ko na marami pa pala akong dapat intindihin. masyado lang nga ba talaga akong masaya o sadyang kinakalimutan ko lang yung mga dapat kong intindihin? parang ang bilis ng araw pag masyado kang masaya, pero pag marami kang iniisip pakiramdam mo napaka bagal nito...

bakit kaya hindi nalang ginawa ni Lord na perfect lahat? masyado bang mahirap gumawa ng mga perpektong bagay kaya naging simple lang ang iba at yung iba naman halos almost perfect na...kung di siguro sila tumatae ng napaka baho o umuutot na para bang humaharurot na motor malamang siguro perfect na sila...

minsan naiisip ko bakit kaya may mahirap at may mayaman? minsan naman naiisip ko lang to kasi pakiramdam ko nahihirapan ako...pero bakit nga ba talaga? minsan may iba sasagot "kasi pinaghirapan nila na maging mayaman" weh di nga? bakit naman yung iba halos mag pakamatay na sa katatrabaho pero di parin yumayaman? minsan tuloy naiisip ko para namang unfair si Lord, tpos bigla ko nalang maiisip siguro kaya hindi nya ko ginawang mayaman kasi baka sumama ugali ko...tapos matatawa nalang ako sa sarili ko. hihingi ako ng pasensya kasi hindi ko dapat sya sinisisi sa kinalabasan ng buhay ko.

gumagaan ang pakiramdam ko kapag nasasabi ko sa ibang tao yung dismayang nararamdaman ko, kaso sa ngayon wala akong mapag sabihan...siguro kailangan ko ng mag simba...siguro kailangan ko lang sabihin kay Lord lahat ng nangyayari sakin, baka sakali bigyan nya ko ng kasagutan...

may isang buong araw na napaka saya ko...pero ngayong araw na to pakiramdam ko nabigo ako, bigo sa pagkakataon na iniintay ko, bigo sa mga plano na dapat sana matutupad na.pero bakit kaya sinusubukan ako ng pagkakataon? siguro iniisip ng kung sinumang nilalang na yun na susuko agad ako? NO WAY! ako pa. kung hindi pwede ngayon eh di sa susunod na pagkakataon nalang...i would never say never sabi nga sa kanta ni justin bieber. pero sana naman bigyan pa ko ng pagkakataon, alam ko naman na alam ni Lord kung ano talaga ang dapat para sakin.